Tuesday, March 31, 2009

Bringing Back the Old Times(to Maycee's House! Go!)


My beloved friends. Kulang nga lang. Pero okay lang masaya pa din. Minsan nga lang biglang tumatahimik, tapos biglang tawanan ulit. Tapos si Joyce pinipilit buksan yung plurk. Masaya. Teka, teka, mali start ko ng entry. Ulit. Take two!


Eto ang aming mga paa. Este, eto kami. Si Maycee, ako, si She, si Florie at si master Joyce. Kala ko nga nung una hindi ko sila makikita nito nun eh, except si Joyce. Ganito kasi yan....

Nagplano kami ni Joyce na magbahay bahay tapos tumuloy sa bahay nila Maycee. Para hindi na sila makahindi samin, bumili kami agad sa Puregold ng pagkain. Hehe, naninigurado lang.

Una naming pinuntahan si She. Grabe nakakahiya! Natutulog pala si She, naistorbo tuloy namin. Kawawa naman sya, pero okay lang daw. Masaya naman kami, pati sya syempre. Sorry ulit She.

Tapos sunod pumunta naman kami kila Florie. Nung naglalakad kami papunta sa bahay nila Florie grabe yung heart beat ko. Heart beat to the max! Kasi dati pumunta kami kila Florie tapos bagong gising pala sya nun. Nakakatakot si Florie pag bagong gising, parang bad trip na ewan. Basta! Pero buti naman hindi bagong gising si Florie at ayun sinama na namin sya papunta kila Maycee.

Edi yun, sunod sa listahan namin si Alma, kaso nahurt kami sa sinabi niya. May excuse na daw sya dahil samin kasi makikipagtagpo sya. OUCH! pero kahit ganun lab na lab pa din namin si Alma. Ayun napunta na ata sya sa darkside. Pero hintayin mo lang kami, ibabalik ka namin sa liwanag (echos!)

Kaya ayun iniskip na namin si Alma. Sunod namin binalak puntahan si Cha. Kaso medyo kinakabahan us(ganito magsalita si Joyce, hehe, natuwa lang ako) kaya dumiretso kami kila Chupec. Anak ng mas malaking aso! An laking aso yung nakita namin! Sobra! Promise! Cross my heart! Tapos wrong timing pa ata kami kasi andun si Venus(gf ni Chupec) pero okay lang, nakilala naman namin sya eh. Medyo familiar nga yung face eh.

Dumiretso na kami kila Cha. Syempre as usual wala sya sa bahay. San pa ba edi sa.. trabaho. Ikaw ah, iniisip mo siguro La union noh? Haha. Ganun din naisip namin nung una. Nagiwan pa nga kami ng note eh, gamit yung resibo na nakuha namin nung bumili kami, tapos kung anu ano nakalagay dun(e.g magbayad kana ng upa, tubig, gaas, tpos # namin at kung anu ano pa) tapos sinusok namin sa door knob nila. Presto! Sabay sibat.

Sumakay na kami ng jeep papunta kila Maycee, pero hindi kasama sila Chupec saka Venus kasi pauwi na daw si Venus eh kaya kami na lang. At dahil magaling kami sa direksyon muntik na naman kaming maligaw pero buti na lang konting lagpas lang yung nababaan namin.

Pagdating namin kila Maycee aba! hindi kami pinapasok kaagad! Pambihira. Pero buti na lang gumana yung mabait nyang konsyensya kaya pinapunta nya din kami sa loob. Dun na nagumpisa yung kwentuhan, asaran at pagpaplano. (kung anung plano yon iclick mo to para malaman mo. link. pero mamaya mo na gawin yon, basahin mo muna to)

Masaya. Parang yung dati lang. Ang kukulit pa din nila. Hindi nakakasawa kasama. Siguro kung papapiliin ako ng Dyos na mamili ng "bagong" kaibigan, tatanggihan ko. Kuntento na ko sa kanila, ay hindi pala kuntento, sobra sobra pa sila para sakin. Iba kasi pag kasama ko sila eh. Hindi ka mabobored. Hindi ka malulungkot. Syempre nagkakaproblema din kami, pero parang pag nagkakasama na kami parang wala lang.

Yun nga lang dahil college na kami kailangan na naming maghiwahiwalay. Pero hindi permanenteng hiwalay. Kasi twing may time nagkikita kita pa rin kami. Kahit na minsan yung iba hindi dumadating, di pa rin kami nagkakalimutan.

Ayoko talaga dumating yung time na halos hindi na kami nagkikita. Sana nga yung iba sumama namin samin eh. Gusto ko talaga mabalik yung dati. Kaso hindi pwede. Hindi ako yung masusunod. Pero sana, kung pwede lang.

hai.

No comments:

Post a Comment